Tuesday, April 9, 2019

Yung Gala Mong Parang Pag-ibig: The Panimahawa Ridge Chronicles

May mga lakad na planado...  Meron namang gusto mo lang i-try... This one is among those I wanted to try. Di ako sigurado kung matutuwa ako o pag sisihan ko ang experience...



We left Davao at around 10:30pm. It was a long day for me, but I was looking forward sa galang mabilisan. It was a tour package, so we were with a group of people we didn't know. Medyo masikip sa van, kasi may mga naligaw na kasama. At first it was frustrating kasi sobrang sikip at hindi ako makatulog. Kaso may mga bagay talagang kahit mahirap, titiisin mo, hoping it will all be worth it in the end. Naayos naman ng organizers ang seating arrangement, at nakatulog din kahit papano. 

We arrived at our destination at around 3:00am. Right on schedule. At least may mga bagay na sumasakto sa mga expectations mo. We started trekking shortly. Sa umpisa excited pa. Finally it's happening. Kahit kulang ka sa tulog; kahit hindi ka sure na handa ka na; gusto mo pa ring subukan, para at least may ganap sa buhay mo. Kasi naman, malay mo, mag work... I mean, malay mo, it is going to be an easy trek... but it was not... no trek is ever easy. Parang lovelife, sa umpisa, parang nothing could go wrong... well, sa umpisa...

Di kalaunan, nakakaexperience na ng mga challenges. Yung parang, you want to give it your all but you are stopping yourself kasi di ba dapat magtira ka para sa sarili mo. What if sobrang pabibo ka na sa pag-akyat, tapos himatayin ka, may sasalo ba sa'yo? Baka tuluyan ka na lang mahulog... sa bangin, di na makabangon.. saklap nun, besh. So there I was, minding my own pace. Medyo kabilang na ako sa mga nasa hulihan, as always, lagi na lang akong naiiwan.

But there was a point in the trek na medyo nakahabol ako sa kaibigan kong sobrang bilis maglakad. Syempre, I wanted to match his pace, but then I realized it was not a competition. Kung patuloy ko s'yang hahabulin, mapapagod lang ako. Mararating ko nga ang summit, di ko naman naenjoy ang journey. Ganun pala talaga pag naghahabol, bibilis lang ang pintig ng puso mo, tapos sisikip, then maiisip mo, kelangan mong tumigil para asikasuhing ang puso mo at ibalik sya sa kalmang pagtibok. Paghinayaan mo, ikaw rin ang mahihirapan, baka di na sya makarecover... so tandaan,  alagaan si heart.

Masaya ang trek, don't get me wrong. Looking at the photos, masasabi mo talagang it was worth it. It was difficult but it was fun. Kaso, while you are there, experiencing everything, mapapaisip ka, tama ba itong ginagawa ko sa sarili ko? Tama bang ituloy ko ang lakad kahit  nakakapagod at madilim? Pero naisip ko, andyan ka na eh, panindigan mo na yan. Yung mga binigay mong effort, di pwedeng walang puntahan yun. So kahit hindi ko masyadong nakikita ang daan, naniwala akong may naghihintay sa bandang huli. 

Hindi lang nakakapagod ang trek, medyo nakakatakot din s'ya. We needed to cross a make-shift bamboo bridge over a strong stream of water. Di ba? Buti pa ang ridge, willing akong magcross ng stream para makita sya, samantalang yung ibang tao, ililibre mo na, aayawan ka pa rin. Sad... 



Masakit din sya. May matutulis na bato. At dahil nga medyo madilim while we were ascending, di mo maiiwasang maapakan. Ganun talaga, pag di mo tiningnan ng maayos ang mga bagay-bagay at sulong ka lang ng sulong, masasaktan ka talaga. But you learn. Nung mabangga ko ang isang bato at nasaktan ako, sinabi ko sa sarili kong umiwas na sa susunod. The journey continues, pero next time, huwag ka ng tanga. 

The trek mirrored life. Minsan patag, maayos, tapos bibiglain ka ng mga challenges tulad ng putik. Akala mo madali lang lagpasan yung malilit na challenges tulad ng mud on your shoes. Pero if dumami na sya ng dumami, bumibigat ang sapatos mo, and it affects how you reach your goal. The lesson here is that, do not underestimate those little challenges. Dahil pagnapabayaan, it can cost you big time. 



Aside from the putik on your shoes, nandun din ang levels of difficulty ng terrain. May mga daanang pababa, na di mo alam kung saan mo ilulugar ang sarili mo para di ka masaktan. Yung tipong ingat na ingat ka kasi baka mahulog ka na naman at masaktan. Kaya this time, you take your time. Di baleng inaapura ka ng iba, you do what is best for you. Don't rush into making decisions just to accommodate others' points of view. Kasi pagnagkamali ka, hindi sila ang masasaktan, ikaw. So watch your step. 

And then there were the most challenging paakyat ng bundok trail. Yung tipong tinitingnan mo pa lang, parang gusto mo ng umayaw, but deep inside you want to give it a chance, you want to give yourself a chance. Chance to make sense of everything. Kaya kahit alam mong mahirap, susubukan mo pa rin. Eh ano naman kung nakakapagod? Ano naman kung mahirap? Sabi nga di ba, nothing worth having comes easy. So go lang ng go. 

But the real question is, was it worth it? Worth ba ang pagpupuyat? Worth ba ang pawis? Worth ba ang sakit? Well, if you do it for yourself, it is totally worth it. 



The view was magical. Mas gumanda sya dahil pinaghirapan ko syang puntahan. And after all the ups and downs, and the mud on my shoes, I was able to sit back and relax... and after that.. I have to do it all over again... But this time, I know better. I know now what to expect. And the lessons I learned during the journey made it more fun nung pabalik na sa van. Keri lang ang trail friends. Give it a try. 😊



Now, on to the next adventure...

No comments:

Post a Comment